Siya si Lola Aurelia, ito yung nagtulong tulong ang mga Pinoy para mahanap si Lolo Luis. At alam mo ang magandang balita? Nakita na siya. Dahil nagka-isa ang mga Pilipino, dahil sa facebook, twitter at dito sa Tumblr eh nahanap siya. Napaka sarap nga naman ng pakiramdam na may naghahanap sayo na taong mahal mo at handa kang samahan saan ka man pumunta.
Sa kanila ko nakita ang true love. Ang true love eh pwede mong itanong sa Lolo at Lola mo. Sila ang maraming naranasan, kung wala sila eh malamang na wala rin kayo. Sila ang nagsilang sa mga magulang mo eh. Kaya dapat buo ang respeto mo sa kanila.
Nakakaluha nga lang din eh, kasi yung pakiramdam na may napala yung paglalagay natin ng picture niya dito. Natulungan agad, buti na lang madali ring lapitan ang media para malaman agad kung nasaan si Lolo Luis.
Tayo ay magdiwang! Nagkita na ulet sila! Sila ang love team natin ngayon! Nakakakilig lang hindi ba? :)
Eternal Love.