dati kapag ako o kahit siya yung may kasalanan, susuyuin ko siya ng todo todo, umaabot ng tatlo hanggang anim na oras, hanggang 4am pa kahit may trabaho pa ng umaga. pero di pa rin niya ako pinapatawad, matatapos nalang yun kapag nakatulog na siya, kinabukasan e nakalimutan niya na ang mga nangyari. sayang lang effort ng pagsuyo at oras na sana itinulog ko nalang para hindi late at bangag sa trabaho. paulit ulit yun ng dalawang taon, hanggang sa napagod din ako. na bakit ko pa kailangang magsuyo e wala din namang nangyayari at nakakalimutan niya din naman lahat.
ngayon siya yung may kasalanan, siya yung nakasakit sakin, siya pa yung nagalit kasi nasaktan ako, at sinumbatan pa ko na hindi ko siya sinusuyo, di tulad ng ibang lalaki daw. hindi ko na alam kung gagamit pa ko ng common sense e tangina lang.